Keto diet: Kumain ng taba para pumayat

Keto diet: Kumain ng taba para pumayat

July 24, 2019 0 By William Morgan


Keto diet: Kumain ng taba para pumayat
Nauuso ngayon ang ketogenic diet o keto diet bilang paraan upang makapagbawas ng timbang. Ipinaliwanag sa programang Ma-Beauty Po Naman ng DZMM nitong Linggo ang agham sa likod ng keto diet.
(BALIKAN: Paano nakakapagpapayat ang keto diet?). Karaniwan kinukuha ng ating katawan ang enerhiya nito mula sa glucose, na nakukuha naman sa mga pagkaing may carbohydrates at asukal.
Sa ilalim ng keto diet, binabawasan ang mga carbohydrates at maasukal na pagkain gaya ng kanin, tinapay at maging soft drinks.
Dahil sa kawalan ng glucose, sunod na pagkukuhanan ng katawan ng enerhiya ay ketones, na nagmumula sa mga tabang sinala ng atay. Sa ganitong paraan nakapagbabawas ng taba ang katawan. http://45.77.244.216/img/browser_2018-01-03_08-47-39.png.
Para kay Waya Araos-Wijangco, isang chef at eksperto sa keto diet, marami ang nahuhumaling sa ganitong diyeta dahil maraming personalidad ang tumestigo sa pagiging epektibo nito.
Kabilang sa mga tanyag na personalidad na sumailalim sa keto diet sina Nonito Donaire, Ricky Davao at Mae Juana Change Paner. Hindi rin umano ito masakit sa bulsa dahil hindi kinakailangan bumili ng mga mamahaling pagkain.
Bagaman pinahihintulutan ng keto diet ang pagkain sa mga taba gaya ng pata at chicharon, nagpaalala si Wijangco na hindi ito dapat samahan ng kanin o iba pang pagkaing maaaring pagkuhanan ng carbohydrates.
Maaari ring kumain ng mga pritong pagkain subalit dapat ay niluto sa coconut oil.
Nagpaalala naman si Dr. Tony Leachon, isang internist at cardiologist, na hindi para sa lahat ang keto diet, lalo na sa mga may matinding karamdaman. It’s not for everyone but [only] for healthy patients na sobrang laki, ani Leachon.
Payo ni Leachon, sabayan din ng pag-eehersisyo ang pagdiyeta upang mas maging epektibo.